Search This Blog

Thursday, June 18, 2009

Isang bukas na liham...

Dearest Kule,

Apat na taon na pala ‘tol.Musta na ba ako? Eto, ayos naman…single pa rin.Ewan ko ba at hirap akong makajackpot ng isang tulad mo.

Di naman lingid sa ‘yo mga fans ko di ba ? Kaso, bawat isa sa kanila eh kulang sa katangian na meron ka.Hirap naman kse nang naging pamantayan ko eh.Pero patuloy pa rin akong umaasa na darating din ang lalaking tulad mo…mabait, matalino, responsable, mabango at kaya akong sabayan sa bilis kong maglakad at kumain.Pero sa ngayon, wala pa talaga eh.Parang gusto ko na ngang maniwala na sa guniguni ko na lang makikita ang taong yun.

May mga kilig moments naman ako kahit pano.Feeling teenager ako pag kausap ko si Kolokoy…magaling magpatawa si Kurdapyo…tumataba ako pag kadeyt ko si Kulas…mahilig magpadala ng flowers at sweets si Diego…consistent naman ang pagiging sensible guy ni Mr. Trivia …at si Achilles naman ang akala kong pwede nang maging kasama ko habang buhay…hindi pala.

Di naman ako pressured na wala pa ring dumating na tulad mo.Yung mga nakapaligid sa kin ang gustong-gusto na magkaroon na ko ng Hector Troy and Samantha Mikaela.Kaya tol, kaw na kumilatis sa pwedeng maging tatay at ka buddy nila Hector and Sam ha.Sana lang, kasing ganda rin ng boses at ugali mo. Sana, marunong din syang mag billiards, mag basketball at jologs sa pagkain ng dinengdeng at dilis, pakbet at tinapa.

Katatapos lang ng American Idol season 8.Malamang pareho na naman tayo ng manok at sang ayon ka rin siguro na si Kris Allen ang nanalo(dahil sa bukod sa maganda ang boses, marunong syang mag gitara at mag piano.)Di na pala masyadong sinasayaw ng mga bata ang spaghetti at ocho-ocho, “Jaiho” na ang uso ngayon.Tatakbo ulit na presidente si Loren at Erap, mag-iissue na nang resibo ang mga taxi, masarap pa rin ang lotsa pizza at tukneneng, bumabaha pa rin sa Malabon.

Napalitan na nang pagkahilig sa videoke ang bisyong bingo at tong-its nila nanay at tatay.Inaliw nila ako nung isang araw.Ilang beses na pareho ang kantang gusto nilang kantahin.Nagmistulang mga apo nilang sila Joshua at Nini kung titingnan mo sila sa sobrang kakulitan.Di ako nagpatalo.Tumira rin ako ng mga kanta ng Aegis.Masakit pa rin ang lalamunan ko ngayon.

Apat na taon…1,460 days na pala ang nagdaan. Pero sa paglipas ng panahon, hooked pa rin ako sa Hana Yori Dango at curious ako ngayon sa bagong Korean version. Pero para sa kin, mas gwapo pa rin ang Taiwan F4 na sila si Dao Ming Zi at Hua Ze Lei.Mas maganda ring hamak ang soundtrack ng Meteor Garden kase nasasabayan ko.Pag gusto kong mag emote, patutugtugin ko lang ang Ni Yao de Ai and broken vow at ayun, tulo na luha ko.

Pero dahil sa curious nga ako kung pano ang version ng mga Koreans (gusto ko ring malaman kung gagayahin din kaya nila yung nabugbog si Dao Ming Zi para kay San Cai) bumili na ‘ko ng series sa suki ko. Di ko na kailangang mag undertime para makahabol sa labas sa TV.(Nasa episode 12 na ko..hehheh)Sya tol, got to go. Gusto ko nang makita si Jun Pyo at Ji Hoo.As usual, ingat na lang ako. Miss you, tol.

/Pepay

No comments:

Post a Comment